Lasing sinapak, todas

NASAWI ang isang padre de pamilya nang mabagok ang ulo nito sa semento makaraang suntukin ng kainuman sa Cainta, Rizal.

Dead on arrival sa Cainta Municipal Hospital  si Steven Narvato, 38, ng Brgy. San Andres dahil sa pinsala sa ulo.

Nakatakas naman ang suspek na si alyas John Mark, residente ng naturang barangay.

Sa ulat ng pulisya, nagkakasiyahan ang biktima at suspek sa Planters Westbank, Brgy. San Andres noong Sabado ng gabi nang bigla silang magkapikunan.

Sa gitna ng pagtatalo ay sinuntok ng suspek si Narvato, na nawalan ng balanse dahil sa kalasingan at bumagsak sa semento.

Nawalan ng malay ang biktima kaya kaagad itong na isinugod sa pagamutan.