NAGSIMULA nang tumagas ang 1.4 milyong litro ng industrial fuel ang tumagas sa Manila Bay mula sa lumubog sa tanker, ayon sa Philippine Coast Guar.
Dahil dito, ipinanawagan na ang suspensyon ng fishing activites sa lugar.
Matatandaan na lumubog ang MT Terra Nova sa tubig sa Bataan at malapit sa Maynila nitong Huwebes dahil sa masamang panahon, na ikinasawi ng isang crew nito.
Ayon sa PCG, umabot na ang tagas ng 12 hanggang 15 kilometro.
Sa isinagawang inspeksyon sa hull ng lumubog na vessel, “minimal leak’ lang ang nakita.
Sinabi ni Coast Guard spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na wala sa “alarming stage” ang sitwasyon, at sisimulan ang paghigop sa langis na nasa barko.
“It’s just a small volume flowing out,” sabi ni Balilo.
Umaasa anya silang mahigop ang langis mula sa motor tanker kung hindi ay mahaharap ang bansa sa matinding environment catastrophe.