Lalaki tumanggi sa ibinebentang solar light, tinodas

PATAY ang padre de pamilya makaraang pagbabarilin ng kapitbahay na naglalako ng solar lights sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Dead on the spot ang biktimang si Eduardo Quezon Jr., residente ng Brgy. Bato dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkakape si Quezon kasama ang asawa sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na nagbebenta ng solar lights.

Tumanggi si Quezon dahil hindi umano niya kailangan ng ilaw pero nagpumilit ang suspek.

Maya-maya pa ay pumasok ang suspek sa bahay at binaril ang biktima saka tumakas.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 pistola.

Tinutugis na ng mga otoridad ang salarin.