Site icon Pinoy Publiko

Kuya Wil sa Sara impeachment: Hindi ako magiging emosyunal, susundin ko ang batas

TINIYAK ng TV host at senatorial bet na si Willie Revillame na hindi niya paiiralin ang emosyon sa sandaling masalang na si Vice President Sara Duterte sa impeachment court kung sakaling tumayo siyang isa sa mga judge sa Senado.

“I will follow the law. I will not follow my emotions, or friendship kung kanino man. Ang susundin ko dito, kung ano yung sinasabi ng batas at ebidensya,” pahayag ni Revillame sa isang press conference nitong Biyernes nang mausisa sa kung anong posisyon niya sa impeachment ni Duterte.

Una munang tumanggi si Revillame sa pagsasabing hindi pa siya senador at hindi pa rin niya anya nababasa ang Articles of Impeachment.

“Kung guilty, ano yung gagawin ko, susundin ko yung tama. Pero kung hindi guilty, doon ako sa hindi guilty,” dagdag pa nito.

Sinabi pa nito na pag-aaralan na rin ng kanyang legal team ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo kung sakaling manalo siya sa halalan sa Mayo.

Exit mobile version