Kris Bernal naghahanap pa rin ng yaya

MAG-IISANG taon nang nangangalampag sa social media pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang yaya ang aktres na si Kris Bernal para sa anak na si Hailee Lucca.

Sa Instagram story nitong Linggo, sinabi ni Kris na “Still looking for a yaya.”

“Please send your biodata together with your NBI/Police Clearance and government IDs at [email protected],” dagdag niya.

Ang tanging requirement, ani Kris, ay “well-experienced day and night yaya.”

Ipinanganak si baby Hailee noong August 2023.

May mga suggestions naman ang ilang netizens kay Kris.

“Bakit di na lang muna kumuha ng kamag-anak para magbantay?”

“Why not maghanap ka sa agency? Meron naman siguro.”

“Dapat kumuha na lang ng nurse or midwife.”

“Bakit di ba siya pwedeng magtanong sa mga friends niya kung may alam silang agency or something? Parang mas mahirap naman magtiwala kung galing lang sa social media ang mag-aapply knowing her din na parang may pagkamaarte.”

“Bakit kaya hindi nurse ang ihire nya para sure sya sa credentials? Mas mahal nga lang but mayaman naman sila.”