INANUNSYO ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pansamantalang pagtigil sa konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig City.
Ani Escudero, ititigil din ang pagbabayad sa lahát ng mga bayarin.
Sa kanyang mensahe sa una niyang flag ceremony sa Senado bilang Senate president, sinabi ni Escudero na bubusisiin muna ni Sen. Alan Peter Cayetano, ang bagong chairman ng Committee on Accounts, ang lumulobong gastos sa pagpapatayo ng gusalì ng Senado.
Sa paunang P8.9 na bilykng pondo, pumalo na ito sa P13 na bilyon at nangangailangan pa ng karagdagang P20 bilyon upang matapos.