Kobe Paras inamin na si Kyline Alcantara?

NANINIWALA ang ilang netizens na may something na sa pagitan ng basketball player na si Kobe Paras at aktres na si Kyline Alcantara.

Nitong Huwebes ay ni-repost ni Kobe ang Instagram story ni Kyline kung saan shinare ng Kapuso actress ang kanyang cute photo.

“Good morning🐰🩶,” caption ni Kyline sa post.

Comment ni Kobe: “😍”.

Hindi pa nakuntento, ni-repost ito ng basketbolista sa kanyang Instagram story.

Dahil dito ay lumakas ang ugong na may relasyon ang dalawa na una nang napansin na nagpo-post nang sabay ng mga photos na kuha sa isang lugar.

Wala pang kumpirmasyon sina Kobe at Kyline sa kanilang relationship status.