UPANG maprotektahan ang mga mag-aaral sa sobrang init, ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapaiksi ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa siyudad.
Ngayong araw ay inilabas ng Division of City Schools-Manila ang memorandum na nagtatakda sa shortened classes sa public schools mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Magsisimula ito sa Abril 11 at magtatapos sa Mayo 28.
“Memorandum No. 140 s. 2024, signed by DCS Manila Chief Education Supervisor Nerissa R. Lomeda, CESE, was released in relation to the dangerous level of heat index currently experienced in the country,” ayon sa Manila Public Information Office.