KANSELADO ang klase sa lahat ng antas at government work sa Maynila at Pasay City sa Okt. 14 hanggang 15 para bigyang daan ang pagbubukas ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
Sa Memorandum Circular 66 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kinansela ang klase at trabaho sa mga nasabing araw “in view of the numerous participants expected to travel to and within the Cities of Manila and Pasay.”
Prerogative naman na ng mga pribadong kompanya kung magsususpinde ang mga ito ng trabaho, ayon kay Bersamin.
Gagawin ang pagtitipon mula sa Oct. 14 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
Ang biennial event ay inorganisa ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR). Lalahukan ng mahigit sa 4,000 participants mula sa 69 bansa ang nasabing event na tatalakay sa disaster risk reduction initiatives.