Kim nanggulat sa new look

HINDI agad namukhaan ng fans ang host-actress na si Kim Chiu dahil sa kanyang bagong look.

Shinare ni Kim sa Instagram ang kanyang new hairstyle: soft brown curls at bangs.

Sa caption ay tila pinatamaan niya ang isang mayor na lumaki sa farm.

Chika ni Kim, matagal na niyang itinatago ang sikreto na mayroon siyang kakambal– si Stella!

Dagdag niya, lumaki si Stella sa ibang lugar.

Ayaw ding lumabas ng kambal pero pinilit nila ito.

“The secret is out!!!! introducing my twin STELLA!!! born and raised sa f**m! Charot!!!” caption ni Kim.

Para sa kanyang ika-34 kaarawan noong Abril, ibinahagi ng aktres ang video niya na naka-short hair naman.