Kim goes skydiving in Dubai

WALANG takot na nag-skydive ang aktres na si Kim Chiu sa Dubai, UAE.

Sa kanyang Instagram story, shinare ng “It’s Showtime” host ang video ng kanyang tandem skydive adventure.

Makikita ang excitement ni Kim nang nagpi-freefall nang 120 miles per hour habang naka-harness sa isang instructor.

Highlight din ng experience ni Kim ang stunning view ng Palm Jumeirah island, World Islands, Ain Dubai at ang Burj al Arab.

Hindi ito ang unang beses na nag-skydive ni Kim.

Una niya itong sinubukan noong 2017 sa Canada at 2018 sa Australia.