Kelot nagselos, umakyat sa puno ng niyog

UMAKYAT sa tuktok ng puno ng niyog ang isang padre de pamilya makaraang madiskubre na nakikipag-chat ang asawa sa ibang lalake sa Brgy. Basak Pardo, Cebu City noong Huwebes.

Sinabi ng pulisya na lasing na kinumpronta ng lalaki ang misis kaugnay sa pakikipag-palitan ng huli ng mga mensahe sa lalaking kabarangay.

Iginiit ng ginang na kaibigan lang ang ka-chat pero imbes na mapayapa ay lumabas ng bahay ang mister at umakyat ng puno.

Ilang oras ding namalagi sa tuktok ng puno ang lalaki bago napakalma at napababa ng mga opisyal ng barangay.