Kelot nagdamot ng sardinas, tinaga ng kuya

TINAGA ang isang lalaki ng kanyang sariling kapatid na pinagdamutan umano niya ng ginisang sardinas sa Cebu City nitong weekend.

Nagtamo ng sugat sa mukha malapit sa mata ang biktimang si Daniel Acuimo, 20, ng Sitio Tiera Dulce, Brgy. Inayawan, Cebu City.

Agad naman nadakip ang kuya niyang obrero na si Joven.

Ayon sa ulat, kumuha ng patalim at tinaga ni Joven ang kapatid nang tumanggi ang huli na bigyan siya ng ulam.

Nakaiwas naman ang biktima pero nahagip pa rin siya sa mukha.

Sinabi ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil gutom na gutom siya ng oras na iyon.

Napag-alaman naman na isang drug user ang biktima at ilang beses nang inireklamo sa pulisya dahil sa panggugulo sa kanilang lugar.

Sasampahan ang suspek ng reklamong attempted murder.