Kelot nag-content sa tulay, patay

DEAD on the spot ang isang lalaki mula sa UK nang malaglag mula sa tulay na kanyang inakyat para gumawa ng content.


Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima, 26, na nagkalasog-lasog ang katawan.


Ayon sa ulat, inakyat ng content creator ang isang cable bridge sa Talavera de la Reina sa Spain nitong Linggo ng umaga.


Bago pa nakaakyat sa tuktok ay nadulas ang biktima at dire-diretso sa kanyang kamatayan.
Bago ito ay umulan nang malakas kaya naging madulas ang tulay.


Napag-alaman na dinadayo ng vloggers ang tulay para gumawa ng content kahit ipinagbabawal ito ng mga otoridad.