Kelot hindi tinantanan ng gunmen

BINARIL at napatay ng dalawang rider ang lalaking nakatambay sa tindahan sa Parañaque nitong weekend.

Nasakote naman ng pulisya sa hot pursuit operation ang isa sa mga gunmen at ang lookout sa isinagawang hot pursuit operation. Pinaghahanap pa ang isa mga bumaril sa biktima.

Ayon sa ulat, nasa harap tindahan sa Brgy. Don Bosco si Rey Florentino nang dumating ang unang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Nang makita ang rider ay tumakbo si Florentino pero hinabol siya ng suspek at binaril.

Tinamaan ang biktima at humandusay sa kalsada.

Humarurot palayo ang suspek pero isa pang rider ang huminto sa tabi ng biktima at muli itong pinaputukan.

Ani Lt. Col. Ramon Czar Solas, Pasay City police chief, nadakip ang ikalawang rider at ang lookout ilang minuto makaraan ang insidente. Tinutugis pa ang unang bumaril sa biktima.