SUMABAK sa serye ng mga pagsusuri ang aktor na si KD Estrada.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni KD na sumailalim siya sa X-ray, ECG at audio test.
“As i approach my early twenties, i want to start on the right path to the best version of myself both mentally and physically,” ani KD sa Instagram post.
Aminado si KD na takot siya sa karayom pero nagpakuha pa rin siya ng dugo.
Sumailalim din siya sa ultrasound upang ma-check ang kanyang internal organs.
“I know hindi po ako nanay pero it’s essential din just to check your internal organs,” paliwanag ng aktor.