TIYAK na all-smile ngayon ang mga kawani ng pamahalaan dahil sa tatanggapin nilang mid-year bonus.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na matatanggap na ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilag mid-year bonus simula ngayon araw, Mayo 15.
“I am happy to announce that our civil servants will be receiving their mid-year bonus this year, as provided in the agency-specific allocation under the 2023 General Appropriations Act or GAA. Alam naman po natin na isa ito sa mga inaabangan ng ating mga kapwa kawani ng gobyerno na talagang makatutulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” sabi ni Pangandaman.
Katumbas ang mid-year bonus ng isang buwang sweldo ng mga empleyado ng gobyeno at makatatanggap na rin ang mga apat na buwan nang naninilbihan sa pamahalaan.
“So, we are reminding all government agencies and offices to ensure the timely release of bonuses to their employees or as stipulated in our existing rules and regulations, simula May 15 po ‘yan,” dagdag ni Pangandaman.
Tanging makatatanggap ng midyear bonus ay ang mga nasa posisyon bilang regular, casual, o contractual, appointive or elective, fulltime o partime.