INANUNSYO sa mundo ng aktres na si Kathryn Bernardo na malaya na siyang makapagdesisyon para sa kanyang sarili.
Sa panayam ng Preview Magazine, inihayag ni Kathryn na nagagawa na niyang patakbuhin ang kanyang buhay at gumawa ng sarili niyang desisyon.
“The biggest gift is I was able to give myself new confidence and trust in myself,” ani Kathryn kaugnay sa mga pagsubok na hinarap niya kamakailan.
“Now, I’m free to navigate my life and make decisions. Now, I know how to say no,” dagdag niya.
Ayon sa aktres, itinuturing niyang “blessed and lucky” ang sarili dahil hindi kasing lala ang challenges na hinarap niya kumpara sa nararanasan ng ibang tao.
“Sometimes, before sleeping, I realize, ‘Who am I to complain, e ito lang pinagdadaanan ko? The world doesn’t revolve around me.’ This reminds me how blessed and lucky I am. It helps me end my day with gratitude,” sey niya.