Kasal minadali ng pari; paglalakad ng bride sa aisle sinabayan agad ng misa

MASAMA ang loob ng bride na si Janine Suelto-Sagarion sa isang pari dahil sa ginawang pagmamadali sa kanilang kasal nitong Hunyo 8, 2024 sa Amlan, Negros Oriental.

Trending ngayon sa social media ang hinanakit ni Sagarion dahil sa dinanas niyang kahihiyan sa mismong araw ng kanyang kasal,

Ayon kay Sagarion, ang pinakahihintay niyang paglalakad patungong altar sa araw ng kanyang kasal ay sinabayan agad ng misa ng pari.

Anya sermon din ang inabot nilang mag-asawa sa pari dahil late umano sila sa seremonya kung kayat minadali ang kasal.

Katwiran ni Sagarion, gabi ng kanilang kasal ay sinabihan sila ng isa sa kanilang sponsor na staff din ng simbahan na mauurong ang kanilang kasal ng 9:30 ng umaga mula sa nakatakdang alas-8.

Bago umano mag-alas-9 ng umaga ay nasa simbahan na sila ngunit pinagmadali pa rin sila at pinagalitan pa anya.

Hindi na rin umano nasabi ng pari ang “kiss the bride” matapos ang kasal.