DEDMA ang TV host-actress na si Karla Estrada sa mga panunuya sa kanya ng kritiko ukol sa mga anak niya na iba-iba ang ama.
Sa panayam ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano, iginiit ni Karla na bunga ng pag-ibig ang mga anak niya kahit pa magkakaiba ang ama ng mga ito.
“I have four kids with four fathers. So, my first is Daniel [Padilla]. So, si Daniel with Rommel [Padilla]. Years kami nagsama and finally hindi nag-work,” ani Karla.
“Laging ganoon ‘yung istorya. So, noong with the father naman of Carlito [Padilla], three years, four years ‘yon. Wala akong kinasama nang one night stand. Taon ang relasyon at lahat ng anak ko ay bunga ng pag-ibig,” pagdidiin ni Karla.
“‘Wag kayong mag-alala kasi hindi ako tinatablan ng mga masasakit na salita dahil hindi naman nila alam ang totoong istorya,” dagdag niya.