Karla kay Daniel: ‘I always pray na sana better siya’

UMAASA ang actress-host na si Karla Estrada na nasa maayos na kalagayan ang anak na si Daniel Padilla sa pinagdadaanan nito sa kasalukuyan.

“I always pray that he will be okay but at the end of the day, ‘yung question na kamusta ‘yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo noon,” ani Karla sa vlog ni Bernadette Sembrano.

“As a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel, and I always pray na sana better sila,” dagdag niya.

Ayon kay Karla, ano man ang kinahaharap ng anak ay mananatili siyang nasa likod nito.

“Sana ‘pag dumadaan sila ng mga pagsubok, sana maganda ang lesson talaga kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para maging mas maayos ka at mabuting tao. Andito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ako, gusto niya akong makausap,” chika niya.

“It’s an exercise for my children na hindi dapat nakatangkod agad sa akin tuwing mayroon silang problema kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, pwede kayong madapa, pwede tayong masaktan, and then just learn from it, matuto lang tayo riyan kasi hindi pwedeng tumigil ang buhay eh,” dagdag niya.

“Lahat nagkakamali. Maski-singkwenta na ako ngayon, hindi pa rin perfect ang buhay ko. Araw-araw may pagkakamali pa rin tayo … lagi kasing ‘yan ang goal, bago ka matulog, magpatawad ka, humingi ka ng tawad, ipagdasal mo ‘yung mga taong nagagalit sa ‘yo … Everytime may pagsubok ‘yung mga anak ko, I make sure na ako ‘yung pader na pwede nilang sandalan,” wika pa ng aktres at host.