Kapatid ni Alice Guo, Cassandra Li Ong dakma sa Indonesia

INANUNSYO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na inaresto ang isang kapatid ng sinibak ng mayor ng Bamban, Tarlan na si Alice Guo at kanyang business partner sa Indonesia.

Hawak na ng Indonesian Police si Sheila Guo at Cassandra Li Ong matapos maaresto ang mga ito Miyerkules ng umaga.

Si Ong ay representative ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) POGO Lucky South 99 in Pampanga, na siyang ni-raid ng mga awtoridad noong isang buwan.

“Pinapa-check ko pa ito. It only shows na talagang seryoso rito ang kapulisyahan. Yes, it is (through the effort of) our police attache in Indonesia. Yun po ang report sa akin kagabi ni Chief ,” pahayag ni Interior Secretary Benjamin Abalos.

Sa hiwalay na press conference, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na patuloy ang ugnayan ng pulisya sa kanilang foreign counterparts para madakip ang dating alkalde at isa pang kapatid nito na pumuslit palabas ng bansa noong nakaraang buwan.

“As to the other personalities, our coordination with foreign counterparts. Hopefully, we would be able to monitor their movements and we would have them taken into custody by our foreign counterparts, including of course, Mayor Alice Guo,” ani Fajardo.

Ibinuking ng Senado ang pagpuslit ni Guo at mga kasamahan nito kamakailan lang.