INIHAYAG ni Speaker Martin Romualdez na mag-aalok ang Kamara ng P5 milyon reward kapalit ng impormasyon para sa ikaaaresto ng mga suspek sa pagpatay sa beteranong mamamahayag na si Percy Lapid.
Sinabi ni Romualdez na manggagaling ang pondo mula sa personal na kontribusyon ng mga mambabatas.
“We in the House view with concern the killing of Percy Mabasa. The perpetrators and the masterminds behind this dastardly act must be brought to justice at all costs. Violence has no place in a civilized society like ours,” sabi ni Romualdez.
Nauna nang nag-alok ang Philippine National Police ng P1.5 milyong pabuya.
Dahil dito aabot na sa P6.5 milyon ang reward para sa makapagtuturo sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.