Kalma lang: Digong hindi tatakbong senador

NILINAW ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito kinansela ang kanyang kandidatura sa pagkamayor ng Davao City para tumakbong senador sa darating na halalan.

Ginawa ng kampo ni Duterte ang pahayag matapos kumalat ang balita na tatakbo ang dating pangulo sa pagkasenador.

Fake news umano ang nasabing balita, ayon sa dating Spokesperson ni Duterte na si Salvador Panel.

Unang kumalat ang balita na maghahain umano si Duterte ng certificate of candidacy matapos nitong kanselahin ang unang COC na inihain sa Davao City para pagkamayor.

Wala ring Duterte na dumating sa Manila Hotel Tent City para maghain ng COC sa huling mga minuto ng last day ng filing.