Kakandidatong konsehal tepok sa tandem

BINARIL at napatay ang isang negosyante ng riding-in-tandem sa Kawit, Cavite nitong weekend.

Napag-alaman na tatakbo sana sa pagkakonsehal sa 2025l ang biktima na si Jose Luis Granados alyas “Jholo Papi” ng Brgy. Magdalo-Potol.

Sa ulat, papasok ng bahay si Granados nang huminto ang motorsiklo sa kanyang tabi.

Bago pa nakakilos ang biktima ay pinaputukan ito nang ilanflg beses ng backrider.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga salarin.

Nag-alok ng P500,000 pabuya ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Kawit sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek.