JV nag-alok ng P50K reward vs driver na sumagasa sa sekyu

NAG-ALOK ng P50,000 pabuya si Senator-elect JV Ejercito kapalit ng impormasyon para madakip ang driver ng SUV na sumagasa sa security guard sa kanto ng J. Vargas at Saint Francis St. sa Barangay Wack Wack, Mandaluyong City nitong Linggo.

Sa kumalat na video sa social media, makikita na sinagasaan ng Toyota Rav na may plakang NCO 3781 ang security guard na na si Christian Floralde, ng Raptor Security Agency habang nagmamando ng trapik nitong Linggo. Tumakas ang suspek matapos ang insidente.