Julia nakatanggap ng bulaklak kay Coco; kinilig, napatalon

KINILIG ang publiko sa ipinakitang sweetness ni Coco Martin sa kanyang partner na si Julia Montes.

Sa Facebook video, makikita si Julia na kausap ang ilang miyembro ng kanyang team nang tuksuhin siya ng mga ito dahil sa dumating na basket ng bulaklak.

Kitang-kita naman ang kilig ng aktres nang lapitan ang bulaklak at basahin ang card.

“Sweet sunday surprise,” ani Julia sa Instagram post. 

“Grabe naman sa surprise. Grabe sa kilig. Thank you for this Real Coco Martin. Thank you. ❤️❤️❤️,” dagdag ng aktres.

Komento ng fans: “May kasalan siguro kaya nagpadala ng flowers.”

“Baka nagkatampuhan kaya nagpa peace offering ang kuya nyo CCM.”

“Wedding bells na sana sa susunod.”

“Sana all sinu surprise.”

“Happy you Julia you have the most loving hubby.  Just treasure the happiness you have as husband & wife.  You got a very nice gift from your hubby a sign of Everlasting Love.”