Jobless Pinoy umabot ng 2.16M noong Enero

UMABOT sa 2.16 milyong Pinoy ang walang trabaho nitong Enero, mas mataas sa 1.63 milyon na naitala noong Disyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang pagtaas ay dulot nang pagtatapos ng mga seasonal jobs na tumaas noong holiday rush.

Dahil dito, umakyat sa 4.3 porsyento ang unemployment rate ng bansa mula sa 3.1 porsyento na naitala noong Disyembre 2024.

Gayunman, mas mababa ito kumpara sa naitalang 4.5 porsyento noong Enero 2024. Ang full-year unemployment rate average ay 3.8 porsyento.

Samantala, umabot naman sa 6.47 milyon workers ang sinasabing underemployed o sila na naghahanap pa ng extrang trabaho o kailangan ng mas mahabang oras na trabaho para tumaas ang kita.

Mas mataas ito sa 5.48 milyon na naitala noong Disyembre dahilan para pumalo sa 13.3 percent ang underemployment rate sa bansa.