SUMIPA ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula 3.9 porsyento noong Marso ay pumalo sa 4.0 porsyento ang bilang ng mga tambay.
Ayon sa PSA, kung kukuwentahin ay nasa 2.04 milyong Pilipino ang jobless noong Abril, mas mataas ng konti mula sa 2 milyon noong Marso.
Tumaas rin ang underemployment rate sa14.6 porsyento noong Abril mula 12.9 porsyento sa kaparehong buwan noong 2023 at 13.9 porsyento noong Enero 2024.
“In terms of magnitude, 7.04 million of the 48.36 million employed individuals expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work in April 2024,” sinabi ng PSA.