JM, Donnalyn inanunsyong nagde-date; netizens nabaduyan

INULAN ng pintas at puna ng netizens ang anunsyo sa pamamagitan ng vlog nina JM de Guzman at Donnalyn Bartolome na “exclusively dating” na sila.

Imbes na kilig, sinabi ng ilang netizens na cringe ang nadama nila nang matunghayan ang paandar ng dalawa.

Sa vlog, sinabi ni Donnalyn na bagaman exclusively dating na sila ni JM ay hindi pa niya sinasagot ang panunuyo ng aktor.

“Alam ko matagal ka nang naghihintay ng sagot ko, kaya ngayon … JM mahalaga ka sa akin,” ani Donnalyn makaraan niyang kantahan ang aktor ng “Sometimes” ni Britney Spears.

Matapos ang kanilang sweet moment, biniro ni JM ang content creator na akala niya ay sinagot na siya nito.

“Wala pa, ‘di pa ako ready diyan, masyadong mabilis,” sagot ni Donnalyn.

Hindi naman bumenta sa ilang netizens ang eksena ng dalawa.

“Hirap talaga kumita ng pera.”

“Feeling K-pop yarn may pa exclusive dating.”

“How tacky!”

“Di ko gets yung exclusively dating pro d pa daw nya sinasagot pero kung maglampungan, wagas! tpos malalaman mo na lng na break na.”

“Forda views na naman si accla lol naka schedule ang lahat alang alang sa vlog. Pero okay, congrats sa newly exclusively dating couple!”

“Hahaha jusko ang tagal ng sila. Pabebe naman ng mga ito.”

“May video reveal na rin sa relationship status?! Forda clout talaga itong Donna.”

“Ang corny. And cringe.”