James Yap, Italian wife hiwalay na?

GUSTONG kumpirmahin ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa basketball player na si James Yap kung tatoong hiwalay na ito sa asawang si Michela Cazzola.

“Gaano ba katotoo James Yap na wala na kayo ng iyong Italian wife?” ani Ogie na sinabing sa isang source niya nanggaling ang balita.

“Kung totoo man ito, nakakalungkot ‘yan ano. Pero siyempre ang sabi naman sa akin ng aking nakausap, kung totoo man ito, maganda naman daw ang relasyon nitong si James Yap sa kanyang ex-Italian wife,” dagdag ni Ogie.

“Kumbaga maganda ‘yung kanilang co-parenting sa kanilang mga anak,” sambit pa niya.

Mayroong dalawang anak sina James at Michela.

Bago nagpakasal kay Michela, naging asawa muna ni James ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Nagpakasal sina James at Kris noong 2005 at naghiwalay makaraan ang limang taon. Mayroon silang anak, si Bimby, na ngayon ay 17- anyos na.