Jackyln Jose, Ai ai tinawag na ‘basura’ ni Mystica

BINANATAN ni Mystica ang kilalang GMA writer na si Suzette Doctolero na naunang pumalag sa naging pahayag ni director Andoy Ranay.

“Bato-bato sa langit, ang tatamaan, please, ‘wag magalit. Pero nagalit! Kung talagang kayo ay hindi talaga nasaktan o kaya, alam n’yo na kayo talaga ay hindi kayo ‘yung concern, hindi kayo maiirita or whatever. Totoo naman kasi [na basura kayo],” aniya ni Mystica.

Bwelta niya, hindi basura ang ABS-CBN dahil binigyan siya ng magandang role siya Ang Probinsyano matapos niyang makiusap sa management ng network.

“I am the number one who can actually give a testimony; dahil ako mismo, myself, kinuha nila (ABS-CBN) ako. Nakita naman n’yo kung paano tri-neat ‘yung aking role, o kaya ay binigyan ng magandang treatment ang aking role nung ako ay nakiusap na ibalik ako sa showbiz ng ABS-CBN through Coco Martin’s Ang Probinsyano,” giit niya.

“So, meaning to say, they really respected kung ano ‘yung alam nila na kakayanan ng aking talento. Hindi ‘yung pang-one-liner [na role] lang na katulong [sa Owe My Love].”

Naging bahagi siya noon ng Kapuso serye na ‘Owe My Love’ ngunit kalauna’y naalis din sa programa.

“So kayo, na mga nand’yan mismo sa GMA… hindi lang ‘yung gawa n’yo ang basura. Kayo mismo ang basura!” banat pa ni Mystica.

Hindi naman nakaligtas ang dalawang beteranang aktres na si Jaclyn at Ai ai kay Mystica.

Aniya, bakit nakikisawsaw pa ang dalawang aktres sa isyu.

“Kaya ikaw, Jaclyn Jose, ‘wag ka nang makisabad, hija. Ay hindi, manang pala. Mas matanda ka sa akin. Kung ano ang pinapagawa nila, sige, go ka lang. Binabayaran ka naman eh. Bakit ka pa makikisabad dito, ‘di ba? Ano’ng ibig sabihin ng pakikisabad mo? It’s very irrelevant kung ano ‘yung issue. ‘Tapos, nakikisabad ka?

“‘Tapos, ito namang si p*tanginang Ai-ai din. Talagang they are really trying hard na nakikisabad para lang sila ay mapansin.”

Matatandaang sinabi ni Direk Andoy na aanhin pa ang franchise kung basura naman ang trabaho.