Ivana dinedma si Ogie sa set ng ‘BQ’

NAKATIKIM ng pandededma ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa aktres at social media star na si Ivana Alawi

Kuwento ni Ogie, na bumisita siya sa set ng

“FPJs Batang Quiapo” kamakailan para bisitahin ang alaga niyang si Kim Rodriguez.

Makaraang kumustahin si Kim ay ang bidang si Coco Martin naman ang kinausap ni Ogie.

Kinalaunan ay nakita niya si Ivana kaya nilapitan niya ang aktres.

Bineso umano niya si Ivana pero tila wala itong nakita at tumutok lang ang tingin sa hawak na mini fan.

“Baka sa sobrang init ng panahon kaya wala sa mood si Ivana,” ani Ogie.

“Bineso ko e dedma. Nahiya na ko ‘no. Baka naman ano, sobra lang siyang pinapawisan that time kaya focus na focus siya ‘dun sa electric fan niya,” dagdag niya.