Ivana Alawi sa bashers: Ampapangit n’yo, mga P.I. n’yo!

MINURA mula ulo hanggang paa ni actress-vlogger Ivana Alawi ang mga bashers ng kanyang bunsong kapatid na si Mona na mayroong sa Type 1 diabetes.

Sa YouTube vlog kung saan isiniwalat niya ang dahilan ng kanyang pagkakaospital, hindi naiwasan ni Ivana na ipagtanggol ang kapatid.

“Sa mga namba-bash kay Mona, mga put***ina nyo! Imagine nyo, sa ganoong pain sumusuko na ako sa life, e mas matindi naman ‘yung pain niya, tapos ba-bash-bash n’yo ‘yung bata,” sey ni Ivana.

“Tang*** may sakit na nga ‘yung tao tapos gaganunin-ganunin n’yo? Get a life! Napakapangit n’yo kasi kaya kayo namba-bash. Bakit? Nanggigil e,” dagdag niya.

Chika ng dalaga, gusto talaga niyang gawan ng video ang pang-ookray sa mga haters para mai-repost ng kanyang followers. “I-repost n’yo ‘to sa TikTok para makita ng mga ha*op ba bashers!” aniya.

Payo ni Ivana sa bashers ni Mona: “Kung gusto n’yo mam-bash, sa akin na lang kayo mam-bash wala naman kasi kayong…Ampangit n’yo kasi. Alam n’yo, siguro malungkot lang kayo sa buhay n’yo.”

“Ang lala ng mga bashers, napaka-bitter n’yo sa buhay. Napakapangit siguro ng buhay n’yo para mansaktan ng ibang tao na wala namang ginagawa sa inyo. I hope karma gets you,” talak pa ni Ivana.