NAGBITIW ang isa pang opisyal na sangkot sa kontrobersyal na paglalabas ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Resolution Number 4 kaugnay ng tangkang pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.
Isinumite ni SRA Board Member Atty. Roland Beltran ang kanyang resignation letter kay Executive Secretary Vic Rodriguez noong Agosto 14, 2022.
Idinahilan ni Beltran ang kanyang kalusugan sa kanyang desisyon na umalis na sa SRA Board.
Ayon kay Beltran, Hulyo 1, 2022, nang nagpaalam na siya, bagamat ipinaalam sa kanya noong Hulyo 29, 2022 na siya ay mananatili bilang holdover capacity.
Bumalik si Beltran sa kanyang pwesto noong Agosto 1, 2022.
Nauna nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian sa kanyang katungkulan matapos namang pumirma para kay Pangulong Bongbong Marcos.
Bukod kina Beltran at Sebastian, kabilang sa mga pumirma sa SRA Board Resolution ay sina SRA Administrator Hermenegildo Serafica bilang SRA Board Vice-Chairperson at Aurelio Gerardo J. Valderrama Jr., Acting Board Member at Planters’ Representative.