PINAKAKAIN ng baboy ang mga inmate na Muslim at Seventh Day Adventist, ayon sa report ng Commission on Audit na tumukoy sa diumano’y paglabag ng caterer na kinuha ng Bureau of Corrections para maghanda ng mga pagkain sa mga bilanggo.
Sa report ng CoA, sinisilbihan ng AFS Eatery State auditors ang mga bilanggo ng “lesser nutritional value” at “lesser quantity ang mga bilanggo.
Bukod dito, hinahaluan pa ng panahog na baboy ang ilang mga lutuin na inihahain sa mga inmates, na isang paglabag sa Guide to Serving Portions for the Menu na nakapaloob sa Food Subsistence Agreement.
“Review of the food served by AFS Eatery disclosed that some of the menu’s ingredients include pork strips contrary to paragraph E of the Guide to Serving Portions for the Menu,” ayon sa CoA.
“Management was unable to monitor and enforce the provisions in the Food Subsistence Agreement (FSA),” ayon pa sa report.
Sa ilalim ng agreement, ang mga inmates na miyembro ng Seventh Day Adventist at mga Muslim “shall be given food in accordance with their religious practice specified as Halal-certified products.”
Tinipid din umano ang mga inmates sa mga pagkain na isinilbi sa kanila, partikular na noong Enero 8 at Mayo 8, 2021.
Ayon sa report, ang mga inmates na Muslim at Seventh Day Adventist ay binigyan lang ng tig-iisang cup ng kanin para sa kanilang agahan at tanghalian.
Pinayuhan naman ng CoA ang BuCor na gawan agad ito ng aksyon.