Ina tinawanan panggagaya kay Sarah ni Barbie

NAG-REACT ang mommy ni Sarah Lahbati na si Esther sa umano’y panggaya sa kanyang anak ni Barbie Imperial, ang umano’y bagong karelasyon ng manugang na si Richard Gutierrez.

Sa Instagram ay ipinost ni Sarah ang mga photos ng birthday celebration ng panganay nila ni Richard na si Zion.

Sey naman ng isang fan sa comment section: “Parang ginaya ni barbie si sarah sa white dress nya at pati yung culinary. Pero syempre sarah pa din maganda.”

Tatlong laughing emojis naman ang reply ni Esther.

Sa nasabing comment section ay nagkakaisa ang mga fans na tila nagiging kamukha na ni Sarah si Barbie dahil sa paggagaya nito sa damit, gupit at kilos ng estranged wife ni Richard.

Si Barbie ang itinuturong bagong girlfriend ni Richard matapos silang makita sa iba’t ibang lugar na magkasama gaya ng Tipsy Pig sa Alabang, Amanpulo at South Korea.

Kamakailan lang ay ipinost ni Barbie ang isang picture sa Instagram kung saan sabay sila sa gym ni Richard.

Matatandaan na inamin ni Sarah na matagal na silang hiwalay ni Richard kaya malaya na silang makipag-date sa iba.