Ina ni Sarah dedma sa ‘Chucky’ post ni Annabelle

WALANG pakialam si Esther Lahbati sa balae niyang si Annabelle Rama.

Nitong Lunes ay klinaro ni Annabelle na ang tinutukoy niyang Chucky, ang killer doll sa “Child’s Play” franchise, na binanggit niya sa Facebook post ay hindi nagsisimula ang pangalan sa letrang S kundi sa letrang E.

Isang netizen naman ang tila nagsulsol kay Esther na tingnan ang post ni Annabelle.

“Bakit abala lang sa akin thank you,” sagot naman ng ina ni Sarah Lahbati, ang estranged wife ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.

Maaalala na nag-viral ang Facebook post ni Annabelle kung saan binanggit niya ang ilang iconic dolls in history.

“Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo. Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” ani Annabelle sa post.

May mga nanghula na si Barbie Imperial, ang rumored girlfriend ni Richard ang tinutukoy ni Annabelle na Barbie habang ang Chucky naman ay si Sarah, ang estranged wife ng aktor.