HUMINGI ng dasal ang singer na si Gigi de Lana para sa kanyang ina na kritikal ang kondisyon dahil sa stage 4 breast cancer.
Kasalukuyang nasa sa ICU ang ina ni Gigi na si Imelda de Lana.
Sa video na kuha sa kanyang US concert, nakiusap si Gigi sa audience na ipanalagin ang kanyang ina.
“My mom is at the ICU now. If you have seen my Instagram stories, meron doon prayer. If you want to pray for my mom, you can pray for her if you want,” aniya.
“She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko nandoon pa siya. But I really wish she will be there. I really want to hug her and kiss her,” dagdag niya.