Ina ni Carlos Yulo nagbebenta ng Vigan longganisa; Help natin si Mommy – Darryl Yap

SINUPORTAHAN ng netizens ang online selling ng homemade garlic longganisa ala-Vigan ni Angelica Yulo, ina ni Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Gng. Yulo na nangongolekta siya ng order para sa ibinebenta niyang longganisa na P380 ang isang kilo.

Ilang followers ng ginang ang nagpakita ng interes at umorder ng mula isa hanggang limang kilo habang ang iba ay shinare ang post.

Isa rito ang direktor na si Darryl Yap na kinumbinse ang mga supporters na tulungan si Gng. Yulo.

“Help natin si Mommy Angelica Poquiz Yulo ORDER NA KAYO NG VIGAN LONGGANISA!!!” aniya sa kanyang Facebook account.

“Wag nyong scammin!!!” dagdag niya.

Dahil sa nasabing post ng direktor, lalong dumami ang nag-order sa ina ni Carlos.