Ina, 4 anak sawi sa sunog

PATAY ang apat na miyembro ng pamilya nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa sa Brgy. Tinago sa Ozamiz City, Misamis Occidental nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa ulat ng Ozamiz City Fire Station, nasawi si Divina Gracia Godiz at ang mga anak niya na limang-taong-gulang at kambal na isang buwan pa lang.

Napag-alaman na mahimbing na natutulog ang mag-iina nang magsimula ang sunog.

Tinangka pang iligtas ng ina ang mga anak pero nabalutan na ng makapal na usok ang bahay.

Asphyxia o suffocation ang pinaniniwalaang ikinamatay ng mga biktima.