TULUYANG nawala sa magic 12 ang kapatid at senatorial reelectionist na si Imee Marcos sa pinakahuling survey ng Social Weather Station na kinomisyon ng Stratbase Group.
Ito ay sa kabila ng mga ulat na gumastos na ang kampo nito ng may P1 bilyon para sa kanyang mga political ads bago pa pumasok ang election period noong isang taon.
Ayon sa survey na isinagawa noong Enero 17 hanggang 20 sa may 1,800 registered voters, na may ±2.31% margin of error para sa national results, pumang-14 lang si Imee sa listahan.
Tinanong ang mga sinerbey kung sino ang iboboto nila sa panahong ginagawa ang survey.
Gaya niya na gumastos ng bilyong-piso para sa political ads, laglag na rin sa magic 12 si Camille Villar.
Samantala, nanguna pa rin si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na nakakuha ng 45 percent votes ng mga tinanong.
Sinundan naman siya ni dating Senate President Tito Sotto, na dating pang-lima lang sa survey noong Disyembre.
Nasa ikatlo si Senator Lito Lapid, na tumalon mula sa ika-11 pwesto.
Narito ang bumubuo ng magic 12:
Senator Bong Go naman ay nasa ika-apat na pwesto na sinundan naman ng dating Senador Ping Lacson sa ika-limang pwesto.
Nasa ika-anim na pwesto naman si Ben Tulfo.
Bumaba naman sa ika-pitong pwesto ang dating nasa ika-3 o 4 na pwesto na si Pia Cayetano.
Kasama niya sa ika-pito at ika-walong pwesto ang nagbabalik na Senador Manny Pacquiao.
Nasa ika-siyam naman si Makati Mayor Abby Binay.
Nakapasok naman na sa magic 12 ang kontrobersyal na si Senador Bato dela Rosa na pumang-10 sa pwesto.
Bumagsak naman si Bong Revilla sa ika-11, na dating nasa ikalawang pwesto.
Ka-tie niya sa pwesto ang TV host na si Willie Revillame na bumagsik naman mula sa dating 8th-9th place noong isang buwan.
Nakapasok na rin sa magic 12 si dating Senador Kiko Pangilinan sa winning cirle matapos umakyat sa 29 porisyento ang kanyang rating mula sa dating 20 porsiyento.