PINASALAMATAN ni Senador Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa pagsama nito sa kanyang pangalan sa listahan ng mga senatorial bets na sususportahan ng administrasyon sa susunod na halalan sa 2025.
Gayunman, sinabi ng Imee na mas pipiliin na lamang anyang niyang mag-isa para hindi na malagay sa alanganin ang kanyang kapatid.
“I chose to stand alone so that my “ading” (brother) will no longer be put in a difficult position, and my true friends won’t have to hesitate,” ayon kay Imee.
Nagpasalamat si Imee sa kanyang kapatid na pagsama sa kanya sa alyansa at sa patuloy na pagdepensa sa kanya “despite the anger and extreme cruelty of some.”
“Many thanks also to NP (Nacionalista Party) and to all my allies who continue to support me, may your trust remain with me,” anya pa.
Sa kabila nito, hindi naman tinukoy ng senador kung gusto niyang ipaalis ang kanyang pangalan sa listahan ng administration ticket.
Samantala, sinabi ni Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas campaign manager Rep. Toby Tiangco na nirerespeto nito ang posisyon ng senador at hinahangaan niya rin anya ito dahil sa kanyang mga adbokasiya at track record.
“Patuloy na susuporta ang Alyansa kay Sen. Imee para sa tagumpay ng legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. para sa kaunlarang walang maiiwan at para sa magandang kinabukasan nating lahat,” ani Tiangco.
Kamakailan lang ay inilabas ni Marcos ang listaan ng senatorial bets ng administrasyon.
Bukod kay Imee, ang 11 iba pa ay sina:
Interior Sec. Benhur Abalos Jr., Makati City Mayor Abby Binay, reelectionists Senator Pia Cayetano, Lito Lapid, Francis Tolentino, Bong Revilla, ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, dating Senador Manny Pacquiao, dating Senate President Tito Sotto, dating Senador Panfilo “Ping” Lacson at Las Piñas Rep. Camille Villar.