ISANG replica ng Our Lady of Peace and Good Voyage ang ipadadala sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea para maprotektahan ito sa mga dayuhang mananakop.
Nanawagan naman ang Simbahang Katoliko sa publiko na ipagdasal ang kapayapaan at proteksyon para sa mga teritoryo ng bansa.
Ayon kay Commodore Lowie Palines, commander ng Philippine Coast Guard Ecumenical Chaplain Service, ililibot muna sa headquarters at istasyon ng PCG sa bansa hanggang makarating ito sa isang chapel na itinatayo na sa Pag-asa Island, kung saan ito permanenteng ilalagay.
Patron ng PCG ang Our Lady of Peace and Good Voyage.