Ilang Pinoy executives mas bet private jets kesa commercial flights

ILANG Pinoy executives mula sa mga pinakamalalaking kumpanya sa bansa ang umuupa ng mga private jets sa presyong P850,000 kada oras para lumipad sa Hong Kong at iba pang lugar sa Asia para sa kanilang mga transaksyon.


Ito ang inihayag ng aviation company na VistaJet, na sinabing patuloy ang paglago ng pangangailangan para sa nasabing serbisyo.


“Our clients in the Philippines continue to increase the number of flights they are doing each year. In the past year, we’ve seen a 2-percent increase in total flight hours and a 3-percent increase in total flight numbers,” ayon sa VistaJet sa panayam ng Inquirer.


Ang kadalasang destinasyon ng mga private flights, na nagkakalaga ng $15,000 kada oras, ay Singapore, Hong Kong, Kuala Lumpur, Tokyo and Seoul, sabi ng kumpanya.


Halimbawa, inaabot ng apat na oras ang flight sa pagitan ng Manila at Singapore ay apat na oras. Ang ibig sabihin, nasa $60,000 o P3.4 milyon ang presyo ng charted flight para sa one-way na biyahe.


“Our clients in the Philippines primarily consist of large conglomerates with significant business interests both domestically and internationally. These companies require business jets to transport their top executives for essential business meetings and engagements,” wika ng VistaJet sa nasabing panayam.


May nakikita ring potensyal ang kumpanya para sa mga biyaheng pa-US at Europe.


“With the Philippines being an under-served market in terms of commercial aviation, we see potential in filling this void through providing non-stop flights to Europe and North America,” ayon sa VistaJet.


“Currently no Philippine carriers operate non-stop to Europe, which means Filipino business executives that fly commercial need to do a stop in places like the Middle East, which is time-consuming and inconvenient,” dagdag nito.