KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Biyernes ang ikatlong Pinoy na nasawi sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group na Hamas.
Bagamat walang detalyeng ibinigay, kinumpirma ni DFA Undersecretary Eduaro de Vega na umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pinoy na nasawi simula nang atakihin ng Hamas group ang Israel noong Oktubre 7 at sundan ng ganti ng Israel ang mga Palestino.
Una nang kinumpirma ng pamahalaan ang pagkamatay ng dalawang OFW dahil sa gulo.
Isa na rito ay ang Pinoy nurse na si Angelyn Aguirre na hindi iniwan ang 70-anyos na pasyenteng Israeli.
Ang isa naman ay ang 42-anyos na si Paul Vincent Castelvi na unang dinukot ng Hamas bago natagpuan ang kanyang bangkay.