Ignacio sinibak sa OWWA, pinalitan ni Caunan

MAY bagong administrador ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa katauhan nig Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Yvonne Caunan, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes.

Pinalitan ni Caunan si Arnell Igancio na naupo bilang OWWA chief simula noong 2022.

Hindi naman sinabi ang dahilan kung bakit pinalitan si Ignacio, bagamat kilala itong tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanumpa si Caunan kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Bago pa maitalagang bagong hepe ng OWWA, nagsilbi na rin si Caunan bilang DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation.

Siya ay isa ring abogado na bihasa sa labor, civil, administrative at criminal law na nagtataguyod ng mga karapatan ng migrant workers.

Hindi naman sinabi ang dahilan kung bakit pinalitan si Ignacio.