Hontiveros ‘imbyerna’ sa ilang opisyal na nagpa-selfie pa kay Alice Guo

HINDI natuwa si Senador Risa Hontiveros sa inasal ng ilang opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) dahil nagawa pa umano ng mga ito na magpa-selfie sa sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

“PAALALA lalo na sa mga kawani ng gubyerno: Si Alice Guo ay pugante. May kasong human trafficking. Hindi po yan celebrity,” post ni Hontiveros sa kanyang Facebook.

Ito ang naging reaksyon niya matapos kumalat ang ilang mga larawan ni Guo kasama ang ilang tauhan ng NBI at BI habang inieskortan ito. Sa larawan, kitang-kita pang nakangiti ang puganteng si Guo at maging ang mga kawani.

May kumalat din na larawan si Guo kasama sina Interior Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil. Masaya rin ang kuha ni Guo sa nasabing larawan. niya sa Facebook.