Holiday sa 2025 inilabas na ng Palasyo

INILABAS na ng Malacanang ang listahan ng mga regular holidays at special non-working days para sa susunod na taon.

Sa Proclamation 727 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at inilabas nitong Oktubre 30, inisa-isa nito ang mga holidays na aabangan ng publiko.

Sa ilalim ay mga idineklarang regular holidays at special non-working days:

Regular Holidays

New Year’s Day – Jan. 1 (Wednesday) 

Araw ng Kagitingan – April 9 (Wednesday)

Maundy Thursday – April 17

Good Friday – April 18

Labor Day – May 1 (Thursday)

Independence Day – June 12 (Thursday)

National Heroes Day – Aug. 25 (Last Monday of August)

Bonifacio Day – Nov. 30 (Sunday)

Christmas Day – Dec. 25 (Thursday)

Rizal Day – Dec. 30 (Tuesday)

Special (Non-Working) Days

Ninoy Aquino Day – Aug. 21 (Thursday)

All Saints Day – Nov. 1 (Saturday)

Feast of the Immaculate Conception of Mary – Dec. 8 (Monday)

Last Day of the Year – Dec. 31 (Wednesday)

Special (Working) Day

EDSA People Power Revolution Anniversary – Feb. 25 (Tuesday)

Additional Special (Non-Working) Days

Chinese New Year – Jan. 29 (Wednesday)

Black Saturday – April 19

Christmas Eve – Dec. 24 (Wednesday)

All Saints’ Day Eve – Oct. 31 (Friday)

Samantala, ang proklamasyon ng national holidays para sa Eidul Fitr and Eidul Adha ay ilalabas base sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o Islamic astronomical calculations.

Sa hiwalay na proklamasyon, idineklara rin ng Malacanang ang July 27, 2025 (Sunday) bilang special non-working day nationwide para sa anibersaryo ng Iglesia ni Cristo (INC).

Nakapaloob ito sa Proclamation 729 na naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng INC para makalahok sa kanilang okasyon.