DAPAT na rin ipagbawal ang Philippine Inland Gaming Operators (PIGOs) ngayon na wala na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ayon kay Senate President Chiz Escudero dapat pag-aralan na rin kung dapat nang i-ban ang operasyon ng PIGOs sa bansa at matukoy kung nakakatulong ba ito o lalo lang nakakasama sa mga Pilipino.
“We banned Pogos because they harmed foreigners. But we allow PIGOs, which affect Filipinos. If Pogos were shut down despite generating revenue, why not PIGOs?” pahayag ni Escudero.
Iminungkahi ni Escudero na dapat magsagawa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ng transparent na pag-review sa mga PIGOs kasama na ang revenue at social impact nito sa mga Pinoy,
Matatandaan na ipinahinto ang e-sabong noong 2022 ng pamahalaan dahil sa hindi magandang epekto nito.
Unang ipinakilala ng Pagcor ang PIGO noong 2018 na siyang nagpapahintulot sa online gaming na naka-tie up sa mga casino.
Ayon sa datos, nitong 2023 may 44 operators ng PIGO ang nabigyan ng lisensiya.